Suplay ng tubig sa ilang barangay sa Maynila, Makati, Las Piñas, Pasay at Parañaque, naibalik na ng Maynilad

99
Photo Courtesy: Maynilad Water Services, Inc. Facebook Page

Naibalik na ang nasa 80% ng suplay ng tubig sa mga customer ng Maynilad Water Services Inc., na naapektuhan ng nasirang pipeline nitong nagdaang araw.

Sa pahayag ng Maynilad, aksidenteng nasira ng contractor ang pipeline habang nag-aayos ng drainage sa may bahagi ng Pureza Street.

Dahil dito, nawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa lungsod ng Maynila, Makati, Las Piñas, Pasay at Parañaque.


Bagama’t hindi pa 100% ang suplay ng tubig, kumpiyansa naman ang Maynilad na agad nila itong maibabalik kung saan humingi sila ng pang-unawa sa mga naapektuhang customer.

Inabisuhan din ng Maynilad ang mga kustomer na sakaling bumalik na ang suplay hayaan munang dumaloy ang tubig nang ilang segundo hanggang sa luminaw ito.

Facebook Comments