General Santos, Philippines – Ginawa ng P 2,500 ang multa sa bawat lalabag sa anti-smoking ordinance sa lunsod ng General Santos, ito ay matapos na aprubahan sa third and final reading sa konseho ng siyudad ang amendments ng ordinance no. 6 o ang pagbawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ng lunsod.
Sinabi ni Gensan City Councilor Franklin Gacal Jr., na mula sa P1,000 ginawa na itong P2,500 para mas maging epektibo ang pagpapatupad ng nasabing ordinance.
Samantala sa mga establisimento naman, pribado man o pampubliko na hindi marunong sumita sa kanilang customer o kliyente na naninigarilyo ay ginawang P5,000.
Ang pondong malikom ay pupunta sa pulisya, tanod at sa general funds ng lunsod.
Napag-alaman na aabot na sa P500,000 ang nalikom na pondo galing sa penalty ng mga naarestong naninigarilyo sa Gensan.
Nation