Penalty waiver para sa renewal ng alien employment permits, pinapayagan na ng DOLE

Naglabas ang abiso ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa waiver ng penalties para sa Alien Employment Permits (AEPs) renewal applications na napaso noong ipinatutupad ang community quarantine.

Sa Labor Advisory No. 01-2021, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang AEP renewal applications na inihain lagpas sa period na sakop ng Department Order No. 214-2020 ay ituturing na bagong applications at hindi papatawan ng penalties.

Ang waiver sa penalties para sa mga nasabing applications ay iiral hanggang February 5, 2021.


Sa ilalim ng nabanggit na department order, ang mga application para sa renewal ng registration, permit, certificate, o license na na-expire sa loob ng community quarantine period ay kailangang ihain sa loob ng 30 working days mula sa petsa ng expiration nito.

Ang AEP ay isa sa requirements para sa paglalabas ng work visa para sa mga dayuhan na nais magtrabaho sa bansa.

Facebook Comments