PENDING | Rappler, pwede pang magpatuloy ng operasyon

Manila, Philippines – Pwede pa ring magpatuloy ang operasyon ng news site na Rappler habang nakaapela sa korte ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na bumabawi sa license to operate ng kumpanya.

Ayon kay SEC spokesman Armand Pan, hindi pa naman final and executory ang kanilang revocation order.

Aniya, pwedeng dumulog ang respondent sa Court of Appeals sa loob ng labing limang araw para labanan ang SEC ruling at habang pending ay pwedeng magpatuloy ang operasyon ng news site.


Pero giit ni Pan, ginawa lang ng ahensya ang mandato nito bilang corporate securities regulator at wala itong layon na harangan ang malayang pamamahayag.

Matatandaang sa desisyon ng SEC, nilabag umano ng Rappler ang Foreign Ownership Restrictions on Mass Media.

Nanindigan din ang Rappler na hindi ito pag-aari ng Omidyar Network and North Base Media kahit may hawak itong Philippine Depository Receipts.

Facebook Comments