SCANDAL | Higit 1,000 libong kabataan, kakasuhan dahil sa pagpapakalat ng sex video ng 2 kinse-anyos sa social media

Denmark – Kakasuhan ng mga otoridad sa Denmark ang mahigit 1,000 kabataan matapos ipakalat ng mga ito ang sex videos ng dalawang 15-anyos sa pamamagitan ng Facebook.

Nakatanggap kasi ng report ang naturang social media na may ipinapakalat na dalawang video at isang explicit photo sa kanilang instant messaging service.

Dawit sa kaso ang 800 kalalakihan at 200 kababaihan.


Kapag napatunayang guilty, maaring pagmultahin o patawan ng 20-day suspended sentence ang mga nagkasala.

Facebook Comments