Penitential walk, isinagawa ng mga pari ng Archdiocese of Manila

Nagsagawa ng penitential walk ang mga pari ng Archdiocese of Manila.

Ito’y para ipagdasal ang bansa at ipanalangin na matapos na ang COVID-19 pandemic.

Unang nagtungo ang mga pari sa simbahan ng Quiapo para sa communal penitential service kung saan sila unang nagdasal at humingi ng kapatawaran.


Pagkatapos nito ay sinimulan na ng mga pari ang penitential walk mula Quiapo Church papuntang Sta. Cruz Church kung saan dito sila nagdaos ng misa pagkatapos.

Umalalay naman ang mga hijos del Nazareno para matiyak na maayos ang paglakad ng mga pari habang pansamantalang isinara ang Plaza Miranda sa publiko.

Hindi pinayagan ng simbahan na sumali ang publiko sa penitential walk at maging ang mga deboto ay pinagbawalan rin kung saan tanging mga pari lamang ang naglakad para masunod ang inilatag na mga health protocols.

Maaari naman mapanood ng publiko sa livestream o online ang ginawang misa at penitential walk habang inaanyahan din ang mga Katoliko na magdasal sa kanilang mga bahay para sa bansa.

Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng penitential walk ang mga pari ng Archdiocese of Manila kung saan itinalaga ni Bishop Broderick Pabillo ang araw na ito bilang Archdiocesan Day of Prayer and Fasting.

Facebook Comments