PENSION | SSS, pinatitiyak sa mga bangko ang pamamahagi ng 13th month pension

Manila, Philippines – Nakipag-ugnayan na ang Social Security System o SSS sa mga bangko para matiyak na maibibigay sa mga pensyonado ang kanilang 13th month pension sa Huwebes, November 29.

Ayon kay SSS Assistant Vice President for Media Affairs Luisa Paraga Sebastian, pinaaga nila ang pagbibigay ng 13th month pension para hindi tumapat ng holiday at weekend.

Gayunman, nilinaw ni Sebastian na hindi agad matatanggap ng mga pensyonado na gumagamit ng tseke ang kanilang 13th month pension sa Huwebes.


Nabatid na kabuuang P22 bilyon ang nailaan ng SSS ngayong taon para ipagkaloob ang 13th month bonus sa 2.4 milyong pensioners ng ahensiya.

Facebook Comments