PRICE WATCH | SRP sa mga basic commodities, ilalabas ng DTI sa Disyembre

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) sa unang linggo ng Disyembre ang bagong Suggested Retail Price (SRP) ng mga pangunahing bilihin.

Ito ay bunsod ng pitong linggong sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, naglalaro sa P0.50 hanggang piso ang posibleng ibaba sa presyo ng ilang mga bilihin gaya ng can meat, gatas at kape.


Aniya, nakikipag-ugnayan sila sa ibang ahensiya para makuwenta nang tama ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments