Pensyon ng mga military at uniformed personnel, tiniyak ng Kamara na walang magiging tapyas

Tiniyak ni Ad Hoc Committee Head at Ways and Means Chairman Joey Salceda na walang ‘pension cuts’ o tapyas sa pensyon para sa mga retiradong Military and Uniformed Personnel (MUP) sa kabila ng mga reporma na ilalatag sa sistema.

Sinabi ni Salceda na kasama sa reporma ay ang pagtanggal sa automatic indexation o otomatikong pagtaas ng pensyon kapag tumaas ang sweldo ng mga aktibong sundalo at unipormadong personnel.

Maglalagay rin ng probisyon para sa Cost-of-Living Adjustment (COLA) upang makasunod pa rin ang halaga ng pensyon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin gayundin ang pagpapanatili ng non-contribution scheme at pagtatakda ng edad para sa makatatanggap ng pensyon sa 60-taong gulang.


Ang pondo naman na malilikom mula sa pagbebentahan ng mga asset sa ilalim ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at New Bilibid Prison (NBP) ay ilalagay sa Armed Forces of the Philippines o AFP modernization program at Philippine National Police o PNP revitalization program.

Bukod dito, tiniyak din ng komite na gagawan ng paraan na magkakaroon ng life insurance ang mga MUP.

Facebook Comments