Pensyon sa mga magsasaka at mangingisda, isinusulong sa Kamara

Pinamamadali sa Kamara ang pagpapatibay sa panukala na layong bigyan ng pensyon ang mga magsasaka at mangingisda.

Sa House Bill 10584 na inihain ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado ay bubuo ng isang “Agricultural Pension Fund” o APF para sa magsasaka at mangingisda sa bansa.

Binigyang-diin sa panukala na ang sektor ng agrikultura ang “backbone” ng ekonomiya ng Pilipinas.


Layunin ng bubuuhing APF na makapaglaan ng pension benefits sa mga lokal na magsasaka at mangingisda, bilang pagkilala sa kanilang malaking kontribusyon sa bansa lalo na ngayong COVID-19 pandemic.

Kapag naging ganap na batas, ang Philippine Crop Insurance Corp., na attached agency ng Department of Agriculture (DA) ay bibigyang-mandato na bumuo ng pension plan para sa agricultural pensioners at tiyakin na magtutuloy-tuloy ang APF.

Facebook Comments