Pensyong natatanggap ng senior citizens, gawing buwanan ang pamamahagi ayon sa isang kongresista

Hinikayat ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawin nang buwanan ang pagbibigay ng pensyon sa mga senior citizen.

Ang apela na itratong parang “payroll” ang pensyon ng mga lolo at lola ay kasunod ng transition o paglilipat ng DSWD sa paggamit ng cash cards katuwang ang LandBank.

Sinabi ni Vargas na tutal ay online na ang distribusyon ng mga benepisyo makabubuting gawin na ring buwanan ang pagbibigay ng pensyon lalo na ngayong may pandemya at higit lalo na kailangan ng mga matatanda ng regular na tulong sa pamahalaan.


Sa kasalukuyan ay tumatanggap ng P500 buwanang pensyon ang mga kwalipikadong indigent senior citizen na nakukuha nila sa kada anim na buwan sa halagang P3,000.

Kasabay nito ay humirit din ang kongresista na pagtibayin sa lalong madaling panahon ang isinusulong na panukala na doblehin o gawing P1,000 ang social pension para sa mga nakatatanda.

Facebook Comments