Pentagon, inilabas ang 3 UFO videos na kuha ng US Navy

US Navy

Inilabas na ng Pentagon nitong Lunes ang tatlong videos na nagpapakita ng “unidentified aerial phenomena” na nakuhanan ng US Navy pilots.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pentagon spokesman Sue Gough na opisyal nilang inilabas ang mga video upang linawin ang haka-haka kung totoo ba ang mga ito.

Matagal nang kumakalat sa internet ang tatlong clip na makikitaan ng hugis oval na mabilis na gumagalaw habang nire-record ng infrared cameras.


Nakuhanan ang unang footage noong 2004 sa southern California, habang ang dalawa pa ay kuha naman ng F-18 pilots sa Atlantic Coast noong 2015.

Sa dalawang video, maririnig ang pagkamangha ng mga piloto sa bilis ng paglipad ng bagay na pinaghinalaan pa ng isa na drone.

Nag-leak ang mga ito noong 2007 at 2017, at Setyembre nakaraang taon lang nang kumpirmahin ito ng US Navy.

“After a thorough review, the department has determined that the authorized release of these unclassified videos does not reveal any sensitive capabilities or systems and does not impinge on any subsequent investigations of military air space incursions by unidentified aerial phenomena,” ani Gough.

Nananatili umanong “unidentified” ang nakitang aerial phenomena sa mga video.

Facebook Comments