World – Nagbabala ang Pentagon na hahantong sa malaking kapahamakan ang kahihinatnan kasunod ng muling pagpapalipad ng ballistic missile ng North Korea na tumama sa exclusive economic zone ng Japan.
Sinabi ni Defense Secretary James Mattis na hindi malayong magkaroon ng giyera ang Pyongyang sa mga kaalyadong bansa ng Estados Unidos bunsod ng ginagawang missile test ng naturang bansa.
Iginiit ni Mattis na malaking banta ang rehimen ni Kim Jong Un sa Japan at South Korea, maging sa China at Russia sa oras na sumiklab na ang digmaan.
Magbubunga aniya ito sa isang malaking giyera kung hindi mareresolba ang sitwasyon sa North Korea sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan.
Nabatid na ito na ang ikatlong beses na missile launch ng komunistang bansa sa tatlong magkakasunod na linggo ngayong buwan ng Mayo.
DZXL558