PEOPLE WERPA | Aktibidad sa 32nd anniversary ng EDSA People Power, inilatag na ng grupong Tindig Pilipinas

Manila, Philippines – Inilatag na ng grupong Tindig Pilipinas ang ikinakasa nilang aktibidad kaugnay ng paggunita sa 32nd anniversary ng EDSA People Power.

Ang protest action na tinawag nilang PEOPLE WERPA ay katatampukan ng Walk for life sa February 24 na alay para sa nga biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng Duterte administration. Kasabay din nito ang gagawin nilang pagkondena sa isinusulong na Charter Change.

Sa February 25, iba’t ibang aktibidad ang isasagawa ng Tindig Pilipinas sa People’s Power Monument.


Sa isang statement, sinabi ng Tindig Pilipinas na mahigit tatlumpung taon matapos pabagsakin ang isang diktador, muli na naman nauulit ang kasaysayan.

Nanganganib na maglaho ang mga karapatan na itinatadhana sa ilalim ng 1987 Constitution.

Binalaan ng Tindig Pilipinas si President Rodrigo Duterte na hindi sila magbubulag-bulagan sa unti-unting pagbabalik ng diktadurya sa bansa.

Facebook Comments