People’s Budget Coalition, nanawagan sa mga Senador na maging makatao sa pagdisenyo sa panukalang 2021 National Budget

Hinikayat ng grupong People’s Budget Coalition na inisiyatiba ng Institute for Leadership, Empowerment, and Democracy (iLEAD), kung saan ang adbokasiya ay para sa good governance and transparency ang mga Senador na busisihin ng mabuti ang General Appropriations Bill na dapat ay makatao at tumutugon sa nararanasang pandemya ng mga Pilipino.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula ang naturang coalition ay kinabibilangan ng Sectoral and Special Interest groups gaya ng Aral Pilipinas, Move as One Coalition, Nagkaisa, NGOs for Fisheries Reform, at Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid sa kabila ng nararanasang pandemya ang Proposed 2021 National Budget ay nakatuon lamang sa “Build, Build, Build” at Security.

Hinikayat ng People’s Budget Coalition ang mga mambabatas na amyendahan ang 2021 General Appropriation Bill bilang pagtugon sa dagok ng ating ekonomiya at pangangailangan ng bawat indibidwal at pamilya dulot ng nararanasang pandemya.


Paliwanag ni Atty. Matula bilang pagtugon sa tumataas na mga naitalang walang trabaho at pagsasara ng mga kompanya na umaabot sa 90,000 micro, small o medium enteprises. Ang coalition ay nagpanukalang ay dapat isingit ang P48-B para sa 2021 budget para mabigyan ng hanapbuhay ang mga 2 milyong mga Pilipino na walang trabahong kung saan sapat na umano ito upang matugunan ang mga apektadong manggagawa o kaya naman ay livelihood trainings.

Facebook Comments