People’s campaign, magiging malaking tulong para kay VP Leni Robredo kapag nagsimula na ang kampanya ayon sa kaniyang kampo

571

Naniniwala ang kampo ni Vice President Leni Robredo na malaki ang maiaambag ng publiko kapag nagsimula na ang kampanya para sa 2022 presidential elections.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na bagama’t nakasanayan na ang paghingi ng suporta sa mga Local Government Units (LGU) ay maiiba ito ngayon dahil sa suporta ng taumbayan sa mga kandidato.

Bukod diyan, nagpapasalamat din sina Gutierrez sa suporta ng iba’t ibang personalidad na mismong sila ang nagpresinta na ikampanya si Robredo.


Una nang sinabi ni Robredo na aminado siyang mahihirapan sila sa kampanya lalo na’t laganap ngayon ang disinformation sa social media.

Facebook Comments