People’s Champ Manny Pacquiao – nagsimula na sa kanyang training

General Santos City, Philippines – Inumpisahan na ni People’s Champ Senator Manny Pacquiao ang kanyang unang araw ng training sa General Santos City.

Sa pamamagitan ng pag-jogging – tinakbo ng Pambansang Kamao ang Brgy. Bawing sa lungsod patungo sa Tinoto, Maasim Sarangani Province.

Kasama ni Pacman sa pagtakbo ang kapatid na si Brgy. Labangal kagawad Bobby Pacquiao.


Ang paglipat ng training camp ni Pacman sa Mindanao ay mula sa kanyang inisyal na pag-eensayo sa Metro Manila bilang paghahanda sa July 2 fight laban kay Australian Boxer Jeff Horn.
DZXL558

Facebook Comments