Labi ng mga nasawi sa Resorts World Manila – pahirapang makuha ng mga kaanak

Manila, Philippines – Pahirapan ngayon ang pagkuha ng mga kaanak sa labi ng mga nasawi sa pag-atake sa Resorts World Manila noong Biyernes.

Ayon kay Baby Espiredion, may-ari ng Veronica Funeral Homes kung saan dinala ang karamihan sa mga bangkay – natatagalan sila sa pag-o-autopsy at pag-e-embalsamo sa mga labi na umaabot ng halos tatlong oras.

Biyernes na ng gabi dinala sa kanila ang mga bangkay kaya naipon ang mga ito.


Ang paliwanag ni Espiredion ay kasunod na rin ng reklamo ng mga kaanak ng mga nasawi sa trahedya sa mabagal na aksyon ng nasabing punerarya.
DZXL558

Facebook Comments