People’s Initiative para sa Cha-Cha, tinutulan ni dating House Speaker Alvarez

Mariing tinutulan ni dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez ang planong pag-amyenda sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative.

May hinala si Alvarez na ang nasa likod ng People’s Initiative ay mga politiko na nais umanong manatili sa kapangyarihan at kanya ring pinuna ang napaulat na may kapalit na bayad ang pagpirma rito.

Si Alvarez ay kilalang tagasuporta ng pagbabago sa Saligang Batas at paglipat sa Federal Form of Government.


Ipinaliwanag ni Alvarez na kaya siya nagbago ngayon ng paninindigan ay dahil hindi aniya maintindihan ang direksyong nais tahakin ng gobyerno ngayon bukod sa hindi rin malinaw ang ginagawa ng administrasyon na makabubuti at mararamdaman ng karaniwang mamamayan.

Diin ni Alvarez, punto ng kongresista, iba ito sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan malinaw na nakalatag ang mga babaguhin at may draft ng konstitusyon na maaaring silipin ng kahit sino dahil wala umanong itinatago at may binuo ring komisyon.

Facebook Comments