PBBM, malugod na tinanggap ang credentials ni Brazil Ambassador to the Philippines Fonseca Guimarães de Moura

 

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang credentials ng ambahador ng Brazil para sa Pilipinas, na si Ambassador Fonseca Guimarães de Moura.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang diplomatic bond ng Pilipinas sa Brazil ay 78 taon nang matatag.

Sa pamamagitan aniya ni Ambassador De Moura, ay mas paiigtingin pa nila ang pakikipagtulungan sa Brazil, partikular sa isyu ng kalakalan, technical cooperation, defense, at climate action.


Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng bansa para maabot ang layunin ng United Nations at iba pang multilateral fora.

Facebook Comments