BULUAN MAGUINDANO-Kaliwat kanang mga aktibidad ang inilatag ng Maguindanao Provincial Government para sa buong buwan ng Agusto.
Kabilang na rito ang pamamahagi ng libo libong mga school bags sa mga mag- aaral na naapektuhan ng baha kamakailan, ayon pa sa impormasyong ipinarating sa RMN Cotabato ni Lynette Estandarte, Head ng Peoples Medical Team.
Simula kahapon nakapag paabot na ng higit 2000 bags ang Provincial Government, kabilang sa mga nakabiyaya 592 pupils ng Kubuntalan Elementary School , 226 pupils ng Bagumbayan Elementary School , 65 pupils ng Ganta Elementary School , 129 na mga mag aaral mula Pagalungan Elementary School , at 600 na mga mag aaral ng Taviran Elementary School at Datumeg Elementary School.
Nakatakda ring magsasagawa ng Medical Mission, sa Pedsalinggian Elementary School maliban pa sa pamamahagi ng tinatayang 500 tsinelas para sa mga mag aaral.
Nakahilira rin ang gagawing mga Tree Planting Activities at mga School Rehabilitation, Feeding Program at pamamahagi ng Relief Goods. Samantala nakatakda ding magsasagawa ng Medical Mission para sa mga inmates ng Provincial Jail.
Ang mga aktibidad ay naglalayun na maipaabot ang mga serbisyo ng Provincial Government lalong lalo na para sa mga naninirahan sa mga liblib na bahagi ng lalawigan at base na rin sa direktiba ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu dagdag pa ni Estandarte.
Hangad aniyang maramdaman ng publiko na mismong ang pamahalaan na ang bumababa sa para maipaabot ang mga serbisyo.
Ang mga nasabing programa ay bilang pasasalamat na rin ng Gobernador kasabay ng kanyang pagdiriwang ng kaarawan ngayong buwan. (DENNIS ARCON)
Maguindano PGO Pics
Peoples Medical Team magpapaabot ng ibat ibang serbisyo sa Maguindanao
Facebook Comments