Perang ini-withdraw ng isang fitness trainor sa Lingayen Pangasinan, tinangay ng 3 kalalakihan

512

Tinangay ang 25, 000 na pera sa isang fitness trainor matapos itong mag withdraw sa isang ATM Machine.
Base sa imbestigasyon ng awtoridad, pasado 11: 00 ng umaga nagpunta ang biktimang si Aldrin Castillo sa isang bangko upang mag withdraw ng pera.
Pumasok sa isang eskinita si Castillo lulan ng kaniyang motor at dito na ito natiyempuhan ng tatlong suspek.
Napilitan umanong ibigay ni Castiloo ang perang ini-withdraw maging ang cellphone nito dahil tinutukan siya ng baril.
Agad na nakatakbo ang mga suspek lulan ng kanilang motor.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing pagnanakaw at inaalam kung mayroong CCTV malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Facebook Comments

From Advertisers