Makukuha na ng mga pulis ang kanilang Performance-Based Bonus para sa taong 2021 ngayong Nobyembre.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo ang bonus ay base sa performance rating o eligibility score ng PNP mula Enero hanggang Disyembre 2021.
Ito ay katumbas ng 52% ng individual monthly base pay ng mga pulis as of December 31, 2021, base sa 80 puntong eligibility score na nakuha ng PNP sa kanilang revised rating.
Paliwanag ni Fajardo, inisyal na nakakuha ng minimum na 70 punto ang PNP sa kanilang eligibility score na katumbas lang ng 45.5% ng base monthly pay, pero nagsumite ng apela ang pamunuan ng PNP para ito ay mapataas pa.
Nilinaw naman ni Fajardo, na bagama’t eligible ang PNP sa Performance-Based Bonus ay may ilang mga PNP units ang hindi pa makakatanggap nito dahil sa iba’t ibang non-compliance issue.