Ini-evaluate na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang performance ng 11 pulis na ipinatapon noon sa Mindanao ni dating PNP Chief Oscar Albayalde matapos na magkomento ng negative patungkol sa PNP.
Sinabi ni PNP Chief General Camilo Cascolan sa kaniyang speech sa Change of Command Ceremony kahapon sa Bangsamoro Autonomous Region Police sa Parang, Maguindanao, na lumapit lamang sa kaniya ang mga pulis na ito para mapag-aralan ang kanilang performance at sila ay ma-reassign na.
Payo naman ni Cascolan sa mga pulis na huwag maging sensitive sa mga natatangap na kritisismo mula sa publiko o kahit maging sa mga nakatataas na PNP officers.
Aniya, tama lang minsan na makatanggap ng kritisismo lalo’t kung nakagawa ng pagkakamali.
Sinabi ni Cascolan na sa kaniyang pamumuno sa PNP ay nais niyang matuto sa pamamagitan ng kritisismo ang kaniyang mga tauhan para mas ma-improve ang kanilang kakayanan.
Dagdag pa nito, dapat tanggapin ng kritisismo bilang isang magandang oportunidad para mas maging maunlad.