Performing Officer sa Police Regional Office Ten, pararangalan ni PNP Chief de la Rosa bukas

197

*Pararangalan bukas ni P-N-P Chief Director General Ronald de la Rosa sa Camp Alagar dito sa syudad ng Cagayan de Oro ang mga performing police officer sa Police Regional Office Ten. *
*Ayon kay Police Regional Office Ten Spokesperson Lemuel Gonda, ilalatag rin nila ang mga accomplishments ng kapulisan sa bawat probinsya sa double barrel reloaded at anti-illegal gambling operations sa rehiyon.*
*Napag-alaman na kabilang sa pararangalan si Ozamiz City Police Station Commander Chief Insp. Jovie Espenido.*
*Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng anibersaryo ng P-N-P 10 kung saan si Director de la Rosa ang magsisilbing guest speaker. *
*-O0O-*

Facebook Comments