Lagpas alas dose ng madaling araw kanina ng matapos ng Senado ang period of interpellations para sa panukalang 2021 national budget na nagkalahalaga ng mahigit ₱4.5 trillion.
Dahil dito ay lubos ang pasasalamat ni Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara sa kooperasyon ng kasamahang Senador na nagpuyat para sa budget.
Ito ay dahil simula noong Lunes hanggang kanina ay inaabot ng hatinggabi o madaling araw na ang kanilang session para pagtalakay ng budget.
May hanggang linggo ng gabi naman ang mga Senador para magsumite ng panukalang nilang ammendment sa budget kung saan kanilang tutukuyin ang mga nais nilang padagdagan o pabawasan.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, target nilang maipasa sa ikatlong at huling pagbasa ang 2021 budget sa Martes, November 24.