Permanent Ban sa Deployment ng mga Pinoy Workers sa Kuwait, dapat ikonsidera ng pamahalaan

Iminungkahi ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang Permanent Ban sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait.

Ayon kay Villanueva, ito ay kung hindi makapagbibigay ang Kuwaiti Government ng garantiya na magiging ligtas sa panganib at pag-abuso ang mga Pilipinong manggagawa.

Katwiran pa ni Villanueva, masyado ng maraming OFW ang sinaktan at pinatay sa Kuwait kung saan pinakahuli ay si Jeanelyn Villavende na binugbog at napatay ng amo.


Kaugnay nito ay pinaboran naman ni Villanueva ang Partial Ban ngayon ng Department of Labor and Employment sa mga OFWs sa Kuwait.

Ayon kay Villanueva, sa naturang hakbang ay maipapakita ng pamahalaang Pilipinas na hindi kagamitan at lalong hindi hayop na pwedeng saktan ng mga taga-Kuwait ang mga Pilipino partikular ang mga Household Service Workers.

Facebook Comments