Permanenteng pagkupkop na sa mga batang namamalimos sa lansangan pinag-aaralan ng DSWD

Pinag-iisipan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang permananteng pagkupkop sa mga batang nagpapalimos sa lansangan.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na band aid solution ang ginagawa ngayon para matigil sa pagpapalimos ng mga batang nasa lansangan.

Ire-rescue raw kasi ng mga taga Local Government Unit (LGU) at bibigyan ng shelter pero pagkalipas ng tatlong buwan nasa lansangan na naman ang bata para manlimos.


Ayon sa kalihim kokonsulta siya sa legal experts, sa Senado, sa Kongreso, at sa Malacañang para matukoy at magawa ang konkretong solusyon para dito.

Binanggit din ng kalihim na maging ang mga Aeta na nagsusulputan tuwing Christmas season sa mga kalsada ay gagawan din nila ng paraan na hindi makabalik sa lansangan para manlimos.

Facebook Comments