Permit at lisensya ng mga baril ng mag-amang Garin, kinansela

Kinansela na ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde ang permit to carry firearms outside of residence at license to own and possess firearms ni Iloilo 1st District Rep. Richard Garin at Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin epektibo ngayong araw.

Ito ag kasunod ng insidente kahapon ng madaling araw sa guimbal public plaza, kung saan umano ay dinisarmahan, pinosasan, binugbog at dinuraan ng mambabatas ang pulis na si PO3 Federico Macaya Jr., habang tinututukan umano ng baril ng alkalde.

Sa statement ni Albayalde sinabi nito na alinsunod sa Section 39 ng Implementing Rules and Regulations ng RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, may kapangyarihan ang PNP Chief na kanselahin ang mag-permit at lisensya ng baril ng mga taong gumamit ng baril sa isang krimen.


Ang congressman at alkalde ay nakatakdang sampahan ng kasong kriminal na physical injuries, assault upon a person in authority, alarm and scandal, grave coercion at grave threats ni PO3 Federico Macaya Jr. dahil sa insidente.

Batay sa records ng PNP si Congressman Garin ang rehistradong may-ari ng 11 firearms, kung saan ang 3 ay expires na ang lisensya, habang si Mayor Oscar Garin ay may nakarehistrong 8 firearms, kung saan 5 ang paso na ang lisensya.

Kasunod ng pagkansela ng permit at lisensya ng mga baril ng mag-amang Garin, ipinag-utos ni Albayalde agarang pagkumpiska sa mga armas ng mga ito.

Facebook Comments