PERMIT PARA SA LEGAL NA PAGNENEGOSYO, MULING IGINIIT NG DTI PANGASINAN

Muling iginiit ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang pagkakaroon ng mga business establishment ng mga permit at lisensya upang legal silang makapagnenegosyo.
Ayon kay DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, madali na ang pagpaparehistro ng business names dahil fully automated na ito.
Maaari umanong magparehistro sa opisyal na website ng DTI at maaaring online transaction na rin umano ang pagbabayad sa pamamagitan ng e-wallet.

Taon-taon din ang pag re-renew ng permits para sa mga service repair accreditation. Sa ngayon, nasa 354 service repair accreditation na ang naisyuhan ng renewal ng tanggapan habang nasa 78 sales promo permits ang naisyuhan mula Jan 2 – Mar 3, 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments