Iminungkahi ni Senador Imee Marcos sa mga economic managers ng bansa na isubasta ang pagbibigay ng permit para sa pag-angkat ng karne ng baboy.
Paliwanag ni Marcos, sa pamamagitan ng pagsubasta ay matitiyak na magiging patas ang alokasyon sa mga negosyante ng Minimum Access Volume (MAV) o dami ng aangkating baboy.
Diin pa ni Marcos, ang pagsubasta ay makakatanggal din ng suspetsa na mayroong nagsasamantala at may mga iilang negosyante na papaboran ng pagtaas sa dami ng aangkating pork bilang tugon sa African Swine Fever (ASF) outbreak sa bansa.
Isinulong din ni Marcos na dapat ay 150,000 metriko tonelada lang ang dapat na idagdag sa MAV sa ika-apat hanggang ika-12 buwan, at pagkatapos ay hanggang 204,000 metriko tonelada lang na maximum ang dapat maabot pagkatapos ng isang taon.
Iginiit din ni Marcos na hindi dapat bababa sa 10% at 20% ang ipapataw na taripa para sa importasyon ng karne ng baboy.