Permit sa Pagtatayo ng tower ng PLDT-SMART, May basbas na ng mga LGUs

Cauayan City, Isabela- Nakakuha ng kaukulang permit para sa pagpapatayo ng dagdag na tower ang Philippine Long-Distance Telephone Company (PLDT) at SMART Communications Inc. mula sa iba’t ibang probinsya sa bansa.

Ito ay sa kabila ng pagtitiyak ng kumpanya sa mas maayos na internet connection na ibinibigay sa mga kliyente nito.

Ayon sa kumpanya, nakapaglaan sila ng P260 billion mula taong 2015 hanggang 2019 para ramped-up nationwide tower roll-out.


Taong 2020, nakuha ng kumpanya ang kanilang target capital na P70 billion maipatupad ang lockdown malaking bahagi ng bansa ng magsimula ang kalbaryo sa harap ng pandemya.

Ayon sa pahayag ni Alfredo S. Panlilio, Smart President at CEO at PLDT Chief Revenue Officer, napakahalagang tulong ito mula sa pamahalaan upang mas mapadali ang pagtatayo pa ng dagdag na tower at pagpapalawig ng bilis ng programa sa buong bansa.

Aniya, nagpapasalamat ang kumpanya sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na sumusuporta sa hakbanging ito at bilang kapalit, tutugunan nila ang mas mahusay na serbisyo sa mga kliyente.

Aabot naman sa 1,000-1,500 towers ang taun-taong ipinapatayo para sa mas malawak na coverage at bahagi din ng infrastructure network project ng kumpanya.

Narito ang mga LGUs na nagbigay ng permits mula sa Northern Luzon Area:

ABRA: Boliney,Lagayan,Langiden; BENGUET: Baguio, Bakun, Kabayan, Kapangan, La Trinidad, Sablan, Tuba, Tublay; CAGAYAN: Baggao, Ballesteros, Gonzaga, Lasam, Tuguegarao; IFUGAO: Kiangan; ILOCOS NORTE: Batac, Laoag; ILOCOS SUR: Alilem, Bantay, Burgos,Salcedo(Baugen),SantaMaria; ISABELA: Aurora, Benito Soliven, Cabatuan, Roxas; LA UNION: Bagulin,Balaoan, ,Bauang, Burgos, San Fernando; MOUNTAIN PROVINCE: Barlig, Sadanga; PANGASINAN: Anda, Basista, Bayambang,Binmaley,Bolinao,Bugallon,Calasiao,Dagupan,San Carlos,Lingayen,Mangatarem,San Fabian,Sison,Umingan

Inihayag pa ng PLDT-SMART na mayroon din silang 10,000 macro at micro cell sites at higit 20,000 LTE base stations sa buong bansa habang ang fiber optic network ay mayroong 360,000 kilometers at ipagpapatuloy ang paglalagay ng fiber optic sa iba pang lugar.

Mahlaga din ang pagkakaroon ng 5G rollout ang kumpanya kung saan kinakailangan din ang karagdagang pasilidad para dito.

Facebook Comments