Manila, Philippines – Suspendido ang permit to carry firearms sa susunod na buwan.
Ito ang kinumpirma ni National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde bilang preparasyon sa upcoming 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na idaraos sa bansa sa Nobyembre.
Ayon kay Albayalde, simula sa November 1 hanggang November 15 walang bisa ang permit to carry firearms.
Ibig sabihin, bawal ilabas ng tahanan ang mga armas o baril sa mga nabanggit na petsa.
Kasunod nito sinabi ni Albayalde na sapat na bilang na pulis ang kanilang ipakakalat sa ASEAN summit.
Tinatayang 19,000 uniformed personnel ang idedeploy sa NCR habang 12,000 tauhan naman ay magmumula sa regional office maging sa Regions 3, 4A, 5.
Facebook Comments