Permits to carry firearms, pinapasuspinde ni Sen. Lacson

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs chairman senator panfilo ping lacson sa philippine national police o PNP na suspendehin ang permits to carry firearms outside residences.

Ayon kay Lacson, na dati ring hepe ng PNP, dapat ipatupad ngayon ng pambansang pulisya ang mas mahigpit na gun control measures.

Paliwanag ni Lacson, ang sinumang sibilyan at hindi naka-unipormeng na magbibitbit ng baril sa labas ng kanilang tahanan ay ituturing na may masamang intensyon at agad aarestuhin.


Mungkahi ito ni Lacson, matapos ang magkasunod na pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at dating Kadingilan, Bukidnon Mayor Joelito Talaid nitong Sabado.

Diin ni Lacson, tanging unipormadong pulis at sundalo lamang ang dapat pahintulutan na magbitbit ng baril.

Kaugnay nito ay plano din ni Lacson na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa tumataas na kaso ng pagpatay sa mga kilalang personalidad.

Facebook Comments