Person of interest sa Resorts World attack, hawak na ng PNP

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Southern Police District (SPD) na may hawak na silang isang ‘person of interest’ sa pag-atake sa Resorts World Manila.

Ayon kay SPD Chief Supt. Tomas Apolinario – nahanap nila ang naturang person of interest sa pamamagitan ng resibo at rehistro ng sasakyan na ginamit ng gunman sa pagpunta sa resort-casino.

Pero sinabi ni Apolinario – hindi pa tiyak kung ano ang naging silbi nito sa pag-atake, kaya nananatili lang itong person of interest at hindi suspek.


Inaalam na rin ang pagkakakilanlan at address nito.

Sa ulat, bumalik pa sa Resorts World ang persons of interest pero iginiit na hindi nito kilala ang namaril na suspek.

Patuloy na muna aniya nilang isasailalim sa imbestigasyon ang person of interest.
DZXL558

Facebook Comments