Cauayan City, Isabela- Isa sa naging blood donor kahapon ang isang biktima ng polio sa ginanap na Bloodletting Activity ng RMN Cauayan kaugnay sa ika-66 taong anibersaryo ng RMN sa buong bansa.
Ito ay si ginoong Hervacio Macam, tatlumpu’t walong taong gulang ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela kung saan simula pa noong isang taong gulang umano siya ay naging polio victim o hindi gaanong makalakad ng maayos.
Aniya hindi naging hadlang sa kanya ang pagiging biktima ng polio para makatulong o makapag-donate ng kanyang dugo.
Ayon pa kay ginoong Macam, nagboluntaryo umano siyang nagdonate ng kanyang dugo dahil sa nais rin niyang malaman ang kanyang blood type.
Malaki naman ang naging suporta ng kanyang asawa na si ginang Cristina Macam na laging nasa tabi niya sa lahat ng oras.
Samantala umabot sa 66 blood donors o katumbas ng walong gallon na dugo ang nalikom ng RMN Cauayan mula sa hanay ng PNP,Philippine Army, Guardians, Motor Raiders Club at ilan pang mga samahan at indibidwal na nakiisa sa kauna-unahang proyekto ng 98.5 DWKD RMN Cauayan.