Persona-non-Grata Declaration laban sa Opisyal ng PCSO at NBI, Binawi ng Sangguniang Panlalawigan Member ng Isabela

Cauayan City, Isabela- Naglabas ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Isabela upang bawiin ang nauna nang desisyon sa pagdedeklara ng Persona-Non-Grata sa ilang opisyal ng gobyerno partikular sa hanay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at National Bureau of Investigation (NBI).

Nakasaad sa Resolution no.2021-36-07 na inihain ni SP Member Emmanuel Joselito Añes ang pag-withdraw ng Persona-non-Grata Declaration laban kay PCSO Isabela Assistant Manager Jennifer Sunga, dating NBI Isabela Director Timoteo Rejano at NBI Agent na si Federico Salamero.

Isang dahilan ay dahil umano sa panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga Isabeleño sa harap ng pagbabalik sa operasyon noon ng Small Town Lottery (STL) sa lalawigan noong kasagsagan ng COVID-19 Pandemic.

Matatandaan na nagpalabas ng resolusyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan hinggil sa umano’y Harassment at Intimidation na pangunahing may gawa umano ang NBI Agent na si Salamero at dating NBI Chief Timoteo Rejano.

May pangha-harass din umano na ginawa ang NBI sa bayan ng San Manuel kung saan pinipilit umano ng mga NBI Agent ang ilang opisyal ng barangay sa usapin ng STL operation upang makataya ang publiko gayundin sa bayan ng Tumauini.

Sa huli, nagkaisa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na nagpapawalang bisa sa deklarasyon bilang Persona-non-Grata laban sa mga nabanggit na personalidad.

Facebook Comments