Personal hygiene, dapat paigtingin kasabay ng banta ng n-CoV – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na ang pagkakaroon ng malinis na pangangatawan at kapaligiran ay mabisang paraan upang hindi matamaan ng bagong strain ng coronavirus mula sa China.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – palaging mag-practice ng personal hygiene.

Aniya, wala pang gamot at bakuna para sa nasabing sakit.


Payo pa ng kalihim – ugaliing maghugas ng kamay at iwasan ang mga matatataong lugar.

Takpan ang ilong at bibig kapag uubo at babahing.

Mahalaga ring may sapat na pahinga at kumain ng masustansyang pagkain.

Matatandaang kinumpirma ng DOH ang pagpositibo sa coronavirus ng isang bata na nagmula sa Wuhan, China na dumating sa Cebu nitong January 12.

Facebook Comments