Personal info ng mga customers para sa contact tracing, dapat protektahan ng mga establisyimento ayon sa NPC

50

Nagpaalala ang National Privacy Commission (NPC) sa mga business establishments na protektahang mabuti ang personal details na ibinibigay ng kanilang mga customer bilang bahagi ng contact tracing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na maraming negosyo tulad ng restaurants, salons at maging bangko ang humihingi sa kanilang customer ng kanilang pangalan, address at contact numbers bago pumasok sa kanilang establisyimento para sa contact tracing.


Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, may responsibilidad ang mga customer na ibigay ang tamang impormasyon na maaaring magamit ng mga awtoridad para sa contact tracing.

Pero iginiit ni Liboro na dapat tiyakin ng mga establisyimento na na nasa kanilang pangangalaga ang mga impormasyong ito.

Mahalaga aniyang maprotektahan ang privacy ng bawat customer.

Dapat ding maging transparent ang mga establisyimento sa kanilang mga customer hinggil sa paggamit ng mga nasabing impormasyon.

Sa ngayon, muling pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang personal information na maaaring ibigay ng mga customer sa mga establisyimento kasunod ng mga ulat hinggil sa maling paggamit ng mga datos.




Facebook Comments