Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Noel George Puyat na personal matters at family business ang dahilan kung bakit siya nagpasiyang magbitiw sa pwesto.
Ayon kay Puyat, walang kinalaman ang pare-resign niya sa isinusulong ni Senator Antonio Trillanes IV, na paimbestigahan ang di-umano ay maanumalyang 647 million pesos na ginastos ng PCOO sa ASEAN noong 2017.
Sinabi pa ni Puyat na mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan nang magpaalam siya kay Secretary Martin Andanar na magbibitiw na siya sa pwesto.
Noong mayo-a-uno naman nang opisyal siyang magsumite ng kaniyang resignation letter, na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa raw opisyal na ni-receive ng Pangulo.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat si Puyat kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa oportunidad na ibinigay sa kaniya para makapaglingkod sa ilalim ng kaniyang administrasyon.