Personal na galit laban sa ABS-CBN, hindi dapat ginamit sa isyu ng prangkisa ayon kay Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi tamang ibato sa isyu ng franchise renewal ang anumang personal na galit laban sa ABS-CBN.

Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, inamin ni Robredo na bigo ang ABS-CBN na i-ere ang ilan sa kanyang political advertisements noong 2016 elections.

Naramdaman din niya ang hindi pagiging patas ng network sa maraming pagkakataon.


Pero sinabi ni Robredo na hindi ito ang panahon para singilin ang ABS-CBN dahil lamang sa sama ng loob.

Binigyang diin ng Bise Presidente ang libo-libong mawawalan ng trabaho dahil sa limitadong operasyon ng network at sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Gayumpaman, ipinaalala ni Robredo na maaaring panagutin ng taumbayan ang mga mambabatas na pumabor na ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN.

Facebook Comments