Personal na galit, nakitang motibo sa pagbaril ng isang doktora sa Cagayan de Oro

Personal na galit ang nakitang motibo ng kapulisan sa pagbaril sa isang doktora sa Cagayan de Oro City.
Ito ang inihayag ni SPO1 Niel Apollo de las Alas, imbestigador ng Cogon Police Station sa interview ng dxCC-RMN Cagayan de Oro.
Ayon kay de las Alas na dalawang tao ang sinusundan nila ngayon na may kinalaman sa naturang insedente.
Ipinasa narin ng kapulisan sa Crime Laboratory ang basyo ng 357 revolver na nakuha mula sa katawan ni Dra. Zaynab Abejuela.
Matandaan na binaril si Dra. Abejuela habang nasa kaniyang sasakyan sa Barangay 35 noong Martes ng gabi. By: Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments