Dismayado si Senator Leila De Lima sa pagiging desidido ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipabasura ang Visitang Forces Agreement (VFA) na kasunduang pinasok ng Pilipinas sa Amerika.
Giit ni De Lima, ang hakbang ni Pangulong Duterte ay hindi makakabuti para sa mamamayang pilipino at sa intres ng ating bansa.
Naniniwala si De Lima, na ito ay papabor lang sa intres ng ibang dayuhan.
Magugunitang ini-anunsyo ng Pangulo ang bantang pagbasura sa vfa makaraang makumpirma ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na kanselado na ang kanyang US Visa.
Ikinalungkot ni De Lima, na hindi na nasusunod ang layunin ng konstitusyon na sa bawat hakbang ng pangulo, lalo na pagdating sa mga kasunduang pinasok ng bansa, ay magkaroon ng saysay ang iba pang sangay tulad ng lehislatura.