Cauayan City, Isabela- Ipinagbabawal pa rin ngayon ang personal na pagdalaw sa mga nakakulong sa Cauayan City District Jail. Ito ang inihayag ni Chief Inspector Bonifacio Guitering, Jail Warden ng Cauayan City District Jail kahit na nasa alert level 1 na ang status ng Isabela.
Aniya, hinihintay pa lamang nila ang resulta ng kanilang request sa BJMP Region 2 na payagan na ang face to face na pagdalaw sa mga PDL o Persons Deprived of Liberty.
Kaugnay nito ay sa pamamagitan pa rin ng virtual at pagtawag sa cellphone ang ginagawang pag-uusap ng pamilya o kaanak sa mga PDL.
Tinatanggap pa rin naman ang mga pagkaing ipinapadala ng mga kaanak sa mga nakakulong subalit masusi pa rin itong sinusuri para matiyak na walang nakahalong kontrabando.
Sa kasalukuyan ay mahigit dalawang taon ng hindi pinapayagan ang personal na pagbisita sa mga PDL.
Facebook Comments