Umabot na sa US$ 26.5 billion na katumbas ng P1.34 trillion ang personal remittances ng mga Pilipino mula abroad sa unang sampung buwan ng taong 2018.
Sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang naitalang personal remittances ay mas mataas ng 2.9 percent kumpara sa naitalang halaga sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.
Sa buwan lamang ng Oktubre, umabot ang personal remittances sa US$2.8 billion na katumbas ng halos P148 billion.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, US$20.3 billion ay galing sa mga land-based overseas Filipinos na may kontrata sa trabaho na higit isang taon.
Ang US$5.5 billion naman ay galing sa mga sea-based at land-based overseas Filipinos na may kontrata na hindi bababa sa isang taon.
Karamihan sa mga remittance ay mula Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Canada at Hong Kong.