"Persons of interest", pinaghahanap na kaugnay sa pagpatay at panggagahasa sa 16-anyos na babae sa Pasig City

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang mga “persons of interest” sa pagpatay at panggagahasa sa 16-anyos na babae sa Pasig City.

Ayon kay Police Senior Superintendent Orlando Yebra Jr, hepe ng Pasig City police, apat na lalaki ang nakunan ng CCTV na nasa lugar kung saan natagpuang patay ang biktimang si Grace Omadlao.

Aniya, nagkaroon na ng lead ang mga imbestigador sa pagkakakilanlan ng mga salarin dahil sa mga impormasyon na ibinibigay ng ilang residente.


Sinabi pa ni Yebra, dalawa ang tinitingnan nilang posibleng motibo ng pagpatay at panggagahasa sa dalagita.

Nitong Lunes nang natagpuan ang bangkay ni Omadlao na nakasubsob ang ulo, nakataas ang mga binti at magka-ekis ang mga paa sa Esguera St. Brgy Pinagbuhatan.

Bago nito, nakunan pa siya sa CCTV camera kasama ang kaibigan ng kaniyang kapatid para ihatid sa Pinalad road noong linggo ng gabi.

Facebook Comments