Seaman, patay matapos pagbabarilin sa Quezon City

Quezon City – Nauwi sa trahedya ang isa sanang selebrasyon matapos pagbabarilin ang isang negosyanteng dadalo ng isang pagdiriwang sa West Avenue, Brgy. Nayong Kanluran, Quezon City ngayong gabi.

Kinilala ang biktima na si Joseph Gutierrez, isang kapitan ng barko, 50 anyos, at may-ari ng isang kumpanya.

Ayon kay SPO2 Arnold Reyes ng QCPD station 2, nakasakay ang biktima sa isang kotse kasama ang kanyang asawa at nagpapark na ito sa lugar para dumalo sa isang selebrasyon ng kaniyang pamilya.


Nang makababa ang asawa nito ay lumapit na ang salarin sa biktima na nakaupo pa sa driver seat at saka ito sunod-sunod na pinagbabaril.

Isinugod pa ng kanyang pamilya ang biktima sa Providence Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan habang agad na tumakbo papalayo ang salarin.

Facebook Comments