Tuesday, March 17, 2026

PERSONS WITH DISABILITY DAY, IPINAGDIWANG SA ALAMINOS CITY

Ipinagdiwang sa Alaminos City ang Persons with Disability Day bilang bahagi ng selebrasyon ng Hundred Islands Festival at pagkilala sa kakayahan, talento, at mahalagang ambag ng mga Persons with Disabilities sa lungsod.

Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office ang programa na naglalayong ipakita ang diwa ng pagkakaisa, paggalang, at pagpapahalaga sa kakayahan ng bawat isa anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.

Sa pamamagitan ng naturang pagdiriwang, muling pinagtibay ng pamahalaang lungsod ang patuloy na suporta at pagkilala sa mahalagang papel ng mga PWD sa pag-unlad ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments