Perwisyo dulot ng Abo sa mga Kabahayan, Inaksyunan na

Cauayan City, Isabela- Agad na tumugon ang mga opisyal ng Barangay Marabulig 1 sa Cauayan City hinggil sa perwisyo ng abo sa mga kabahayan tuwing makakaranas ng malakas na hangin.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Brgy. Kagawad Jaime Andres, agad na nagpatawag ng bayanihan ang mga opisyal upang pagtulungan na buhusan ng tubig ang abo upang hindi na ito kumalat pa sa mga kabahayan partikular sa katapat na subdivision tuwing mararanasan ang malakas na hangin.

Ayon pa kay Andres, tinatayang nasa 50 kabahayan ang apektado ng malawakang pagkalat ng abo sa lugar na posibleng magdulot umano ng perwisyo sa kalusugan ng mga bata at sa mga may karamdaman gaya ng asthma.


Nabatid na pag-aari ng isang pulitiko sa Isabela ang ugat ng reklamo kung saan perwisyo sa mga residente.

Una nang inireklamo ng mga residente ang ilang araw ng perwisyo sa kanila na nagagawa ng abo kung kaya’t idinulog nila ito sa iFM news team para magkaroon ng agarang aksyon.

Facebook Comments