Manila, Philippines – Muling binaril ng Metro Manila Council ang panukalang “odd-even scheme” at “two-day coding scheme” sa EDSA.
Ayon kay Jojo Garcia, General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), makapeperwisyo ang trapiko sa kani-kanilang lungsod ang nakikita ng mga alkalde sa ilalim ng odd-even scheme.
Anila, kahit mabawasan ng kalahati ang sasakyan sa EDSA, sisikip naman sa mga alternatibong kalsada.
Una nang napagkasunduan ng 17 alkalde ng Metro Manila ang “High Occupancy Vehicle (HOV) Lane,” na magbabawal sa mga sasakyang ang nagmamaneho lang ang sakay.
Gayunman, pag-uusapan pa ng MMDA at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung paano mapipigilang maging palusot ng mga kolorum ang HOV.
Facebook Comments